Carrera Stage 5 winner
VIGAN, Philippines -- Nilusutan nina Sherwin Carrera at Frede-rick Feliciano ang atensiyon ng mga kapwa bigating siklista at maagang humarurot upang makakuha ng bentahe sa ikalimang yugto ng 2009 Padyak Pinoy Tour of Champions na nagtapos dito.
Napagwagian ni Carrera ang karangalan sa matagtag na 140 km ride mula sa San Fernando La Union habang pumangatlo naman si Feliciano sa gayunding oras upang magbanta sa ‘MVP’ yellow jersey na suot ni Santy Barnachea.
“We’re able to get ourselves in a good position right in the neutral run. We attacked right at the flag-off and rode as one to the fi-nish,” wika ni Feliciano nang umangat ito ng tatlong baytang para okupahan ang second place, may isang minuto at 33 segundo sa likuran ni Barnachea.
Nanisi naman si Barnachea, ang overall leader sa nakalipas na tatlong araw, nang hindi ito makatanggap ng tulong mula sa kanyang mga kakampi at mga kababayang taga-Pangasinan.
“My calvary has started. My godfather Jess Garcia told me my fellow Pangasinenses would be there to help me. It turned out they’re the ones challenging me,” himutok ni Barnachea.
“My brother Larry and brother-in-law Enrique Domingo were the only ones who lent me some help. No one was even willing to spare me water,” dagdag pa niya. “Now, I’ve realized I have to fend for myself if I were to keep the yellow jersey all the way to the finish.”
Nalaspag si Barnachea sa pagdepensa kina Oscar Rindole, Baler Ravina at Lloyd Reynante at hindi namalayang nakalusot si Feliciano sa pulutong may ilang kilometro lamang sa karera.
Magkakasamang tumawid sa finish line sina Barnachea, Rindole, Ravina, Reynante, Joel Calderon, Renato Sembrano at Warren Davadilla at mapanatili ang distansiya sa isa’t isa sa top 10. (NBeltran)
- Latest
- Trending