Giorgio Armani pang-araw-araw lang ni Manny Pacquiao!

Bonggang-bongga na talaga si Manny Pacquiao. Bagong porma na rin siya at ‘feeling good’ sa kanyang bagong porma na ala-Bernard Bonnin sa pelikulang ‘Palos’.

At wag isnabin ha, naka-Giorgio Armani si Pacman. Carry naman daw at may ‘k’ dahil marami siyang pera. Oo nga naman, inggit na naman kayo sa new look ni Pacman.

* * *

Nakakaaliw din ang mga joke na text message na nabuo nang magwagi si Manny Pacquiao kay Ricky Hatton. Ilan dito ay: “Hindi lahat ng natutulog ay nasa kama-Hatton.” Ha ha ha!

At ang isa pang pinaka ay “ Mahaba na naman ang pila para maging kerida ni Pacman” ha ha ha!

O di ba?

Ilan lamang ito dahil marami pa akong natanggap na text message.

Ang Pinoy nga naman!

* * *

Mahigpit ang bakbakan sa NBA semifinals playoff. Parehong 2-2 ang Boston Celtics at Orlando Magic (Eastern Conference), gayundin ang Los Angeles Lakers at Houston Rockets (Western Conference).

Sa isa pang semis pair naman, abante na ang Denver Nuggets kontra sa Dallas Mavericks sa Western Conference gayundin ang Cleveland Cavaliers laban sa Atlanta sa, Eastern Confe-rence.

Ang magkakampeon sa Eastern at Western ang maghaharap sa NBA National Finals.

Sino kaya iyon?

* * *

Nais naming batiin ang mga coaches na nagtuturo sa Camp Aqua ng Bert Lozada SwimSchool sa may Riverview Resort sa Calamba, Laguna.

Masusugid din palang readers ng Pilipino Star Ngayon sina venue head coach Francis dela Cruz at mga swim teachers na sina Brian Balino, Patrick Adonis at Arnel Lorenzo na hindi na umaahon sa pool sa dami ng estudiyanteng tinuturuan at kay Ms. Ma. Amorfina Sao-a.

At ipinaaabot din namin ang aming pakikidalamhati kina Angelo, Anthony Susie at Tita Zena sa pagyao ni Tito Bert Lozada noong May 5 dahil sa sakit na pancreatic cancer.

* * *

Happy birthday kina Wena Del Prado at Ronnie Halos, mga editors ng PSNgayon sa May 13. Kay Julia Ocampo sa May 16 at sa aming editor-in-chief Al Pedroche sa May 18.


Show comments