^

PSN Palaro

Sembrano nagbuwena-mano sa Padyak Pinoy

-

APALIT, Pampanga, Philippines —Rumemate si Renato Sembrano sa final 600 meters ng karera upang pagharian ang Stage 1 ng Padyak Pinoy 2009 Tour of Champions na tumakbo sa ilalim ng maliwanag na panahon, bagamat may bantang papasok na bagyo.

Naorasan ang 29 anyos na si Sembrano ng Mangaldan, Pangasinan ng tatlong oras 24 minuto at 48 segundo na kaparehong oras nina Merculio Ramos Jr. at dating Tour champion Warren Davadilla sa 165 km initial stage na nagmula sa The Fort, Taguig City at hatid ng Tanduay, kasama ang Air21 at Smart.

 Kabilang sa top three finishers ang batang si Mark Julius Bonzo, na hinahasa ng PhilCycling sa track, ngunit kinapos at napasama sa second group na kinabibilangan ni Santy Barnachea na dumating makalipas ang 21 segundo.

At bunga ng magandang tinapos nina Sembrano at Bonzo, umalagwa agad ang Team Tanduay kasama si skipper Sherwin Carrera na nagbigay sa kanilang koponan ng magandang liderato sa team general classification.

Muntik ng hindi matuloy ang Padyak Pinoy noong Huwebes ng gabi nang nagsimulang umulan ng malakas na hudyat ng pagdating ng bagyong ‘Emong’ sa Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Sa katunayan, lahat ng probinsiya sa norte ay sasagasaan ng bagyong ‘Emong’ noong Biyernes.

Ngunit laking himala at natuloy ang Padyak Pinoy ng hindi umulan simula sa opening ceremonies sa The Fort na dinaluhan nina Air21 boss at PhilCycling chairman Emeritus Bert Lina at asawang si Sylvia, Smart-PLDT head Manny Pangilinan, Taguig City Mayor Freddie Tinga at PhilCycling president, Tagaytay Mayor Abraham Tolentino.

Naging mainit na ang karera hanggang sa dumaan ito sa anim na bayan ng Bulacan, apat ng Nueva Ecija via Gapan, ang bayan na pinaggalingan ng telecommunications mogul na si Pangilinan. Muntik ng hindi matuloy ang Padyak Pinoy noong Huwebes ng gabi nang nagsimulang umulan ng malakas na hudyat ng padating ng bagyong ‘Emong’ sa Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Sa katunayan, lahat ng probinsiya sa norte ay sasagasaan ng bagyong ‘Emong’ noong Biyernes.

BIYERNES

EMERITUS BERT LINA

HUWEBES

LUZON

MANNY PANGILINAN

MARK JULIUS BONZO

MERCULIO RAMOS JR.

METRO MANILA

MUNTIK

PADYAK PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with