^

PSN Palaro

Simula na ang quarterfinal series ng Magnolia at Cobra

-

MANILA, Philippines - Habang nagpapahinga na ang tatlong koponang pumasok sa semis, magtatagisan ng galing sa best of three series ngayon ang Magnolia Purewater at Cobra Energy Drink para sa natitirang pwesto ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup na gaganapin sa Ynares Sports Center, Pasig.

Para sa kahalagahan ng Game 1, parehong inaasahan na magpapakitang gilas ang dalawa sa salpukan nito na mag-uumpisa sa alas- 3 ng hapon.

Ang sinumang mananalo sa seryeng ito ay makakaabante sa semis kasama ng Oracle Residence, Licealiz at Pharex.

 Para sa Magnolia, ma-tapos walisin ang Licealiz, 75-63, matalinong play ang ilalatag ni coach Coy Banal para tapusin ang kampanya sa classification phase ng season-ending tournament na ito.

Naigapang ng Wizards ang three way tie para sa ikalawa hanggang ikaapat na pwesto, subalit, hindi sumapat para maikubra ang puwesto sa semis dahil sa mababang quotient kumpara sa dalawa.

Ang 5-foot-11 guard ng Magnolia na si Paul Lee ay kailangang kumayod ng husto at doblehin ang 15.5 average points nito sa hu-ling dalawang laban.  

Sa kabila ng injury, rumatsada si Al Magpayo na umiskor ng 15 points, habang nagrehistro ng 12 puntos si Edwin Torres.

 Pambato ng Energy Warriors ang magaga-ling na player mula sa University of the East na matatandaang yumuko sa dalawang huling laban na nagwakas sa double round elims na rumehistro ng 2-3 panalo-talo. (Sarie Nerine Francisco)

 

vuukle comment

AL MAGPAYO

COY BANAL

EDWIN TORRES

ENERGY WARRIORS

FLEX UNITY CUP

LICEALIZ

MAGNOLIA PUREWATER

ORACLE RESIDENCE

PAUL LEE

SARIE NERINE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with