^

PSN Palaro

Barako Bull giba sa Tigers

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Pinagod ng Coca-Cola ang Barako Bull upang makabangon mula sa 16 point deficit tungo sa 120-106 panalo sa labanan ng naghihingalong koponan sa Motolite PBA Fiesta Conference sa Astrodome kagabi.

Nakabalikwas mula sa ma-tamlay na panimula, nakalapit ang Tigers sa 54-56 sa half time at sumingasing na tungo sa 87-83 abante sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

Ang panalo ng Tigers ay nagpaganda sa kanilang baraha sa 3-6 panalo-talo.

Bagamat may ipinaradang bagong import na si Daryan Selvy, hindi ito nakatulong sa Barako Bull at malasap ang ikalimang sunod na kabiguan para sa ikasiyam na pagkatalo sa kabuuang 11 laro.

Si Selvy, dating mainstay ng Oklahoma na pumalit kay Jeff Varem, ay malakas ang naging panimula sa kinanang 17 puntos ay kinapos ng enerhiya sa huling 3:11 oras ng labanan.

“I’m just subbing for Kenneth but we have agreed to do something to change the attitude of the team during the game. We want to use to the hilt the skills and talents that we have. It paid off at least in this game,” anang assistant coach na si Bo Perasol na pansamantalang gumiya sa koponan dahil may sore eyes si head coach Kenneth Duremdes.

Samantala, kasalukuyang naglalaban ang Alaska at Burger King habang sinusulat ang balitang ito.

BAGAMAT

BARAKO BULL

BO PERASOL

BURGER KING

COCA-COLA

DARYAN SELVY

FIESTA CONFERENCE

JEFF VAREM

KENNETH DUREMDES

SI SELVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with