^

PSN Palaro

Lopez, mas bata at mas matigas kaysa kay Peñalosa

-

MANILA, Philippines - Nagamit ni Filipino challenger Gerry Peñalosa ang kanyang eksperyensa. Ngunit sa huli, ang lakas ng mas batang si Puerto Rican Juan Manuel Lopez ang nangibabaw.

Tinalo ng 25-anyos na si Lopez ang 36-anyos na si Peñalosa via ninth-round stoppage upang patuloy na isuot ang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight crown kahapon sa Coliseo Ruben Rodriguez sa Bayamon, Puerto Rico.

Mula first round hanggang sa ninth round ay pinaulanan ni Lopez ng kanyang mga suntok si Peñalosa, muling nabigong makuha ang inaasam na WBO super bantamweight title matapos mabigo kay Mexican Daniel Ponce De Leon noong 2007.

Sa kabila nito, hindi pa rin tumiklop si Peñalosa, pinagharian na ang World Boxing Council (WBC) super flyweight at WBO bantamweight division.

“Peñalosa is a very tough fighter as I fully expected him to be,” ani Lopez, may 25-0-0 win-loss-draw ring record ngayon kasama ang 23 KOs kumpara sa 54-7-2 (36 KOs) ni Peñalosa. “This was a very hard earned victory.”

Hindi naman nanghinayang ang tubong San Carlos City, Cebu sa kanyang ipinakita sa ibabaw ng boxing ring.

“I gave my absolute best tonight. Lopez was the better man tonight and I congratulate him,” sabi ni Peñalosa.

Inakala rin ni Peñalosa na mapapagod si Lopez matapos ang maraming pinakawalang suntok hanggang sa fourth round.

Ngunit nanatili pa rin ang lakas nito hanggang ihinto ni American trainer Freddie Roach ang laban para iligtas si Penalosa.

“My promoters will decide what is next for me and I will be ready for whoever they put in front of me,” sabi ni Lopez, isa sa mga alaga ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Ito ang pang 13th sunod na pagkakataon na hindi pinatagal ni Lopez ang kanyang kalaban sa 12 round. (Russell Cadayona)

ALOSA

BOB ARUM

COLISEO RUBEN RODRIGUEZ

FREDDIE ROACH

GERRY PE

LOPEZ

MEXICAN DANIEL PONCE DE LEON

NGUNIT

NTILDE

PUERTO RICAN JUAN MANUEL LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with