PDRT Fireblades, PNP Patriots wagi sa dragon boat

MANILA, Philippines - Naging double-winner sa dragon boat race ng Manila Bay Seasports Festival ang PDRT Fireblades na’ng kanilang talunin ang defending champion Philippine National Police sa Mixed Open, at maungusan naman sa pangunahing puwesto ang mga babae ng national team na humamon sa kanila sa Men’s Division.   Nakuha naman ng PNP Patriots laban sa Aqua Fortis ang kampeonato sa women’s category.

Nakamit naman ng mga batikang bangkero mula Batangas at Cavite ang kampeonato sa bancathon. Si Randy Diaga, lulan ng “Gabriel,” ang nagwagi sa Stock Race, habang si Marlon Morada naman na piloto ng “Malou” ang nanalo sa Formula Race.

Dumating si Manila Mayor Alfredo Lim at pinangunahan naman ang oath of sportsmanship ng Mt. Everest climber na si Noelle Wenceslao, na miyembro rin ng Philippine national dragon boat team. Ang Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Caltex, Gold Eagle Beer, Mountain Dew, Revicon, Splash Manufacturing Corporation, RFM, M. Lhuillier, Sunkist Iced Tea, Cord Marine Epoxy, at Briggs and Stratton.


Show comments