^

PSN Palaro

JMC sinilat ang lakas ng UM-Tagum

-

TAGUM CITY, Philippines - Humatak ng malaking upset ang tambalan mula sa Jose Maria College ng Davao City nang igupo nila ang reigning Minda-nao leg champion University of Mindanao -Tagum, 19-21, 21-17, 15-4 sa Nestea Fit Beach Volley National Circuit Mindanao elims.

Parang diesel ang kilos nina Cherry Balse at Graco Garro ng JMC nang mabigo sila sa unang set at magwagi sa sumunod na dalawang set sa ilalim ng matinding sikat ng araw sa Tagum Beach Volley Drome sa Rotary Park.

Bagamat hindi sina Lourdilyn Catubag at Jestine Gonzales ang players ng magwagi ng titulo ang UMT noong nakaraang taon, sila pa rin ang paborito.

Ang iba pang nagwagi sa kababaihan ang University of Mindanao-Davao kontra sa Ateneo de Davao, 21-8, 21-15, Capitol laban sa Minda-nao State U-Main, 21-19, 21-15, Holy Cross de Davao vs Xavier, 21-8, 21-9, at MSU-Tagum kontra sa Capitol, 21-10, 21-13, nang kinahapunan.

At sa men’s division, ang mga nagwagi ay Ma-kardika Institute of Tech-nology laban sa MSU-M, 21-7, 21-15, UMD kontra sa Xavier, 21-17, 21-10, DDMA College of South-ern Philippines laban sa Philippine Women’s College of Davao, 21-15, 21-18, at MSU-Tawi Tawi via walkover sa Ateneo de Davao at MIT laban sa UMT, 21-14, 21-16, para sa kanilang ikalawang panalo.

ATENEO

CHERRY BALSE

COLLEGE OF DAVAO

COLLEGE OF SOUTH

DAVAO

DAVAO CITY

GRACO GARRO

HOLY CROSS

INSTITUTE OF TECH

JESTINE GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with