Alcantara talsik na
MANILA, Philippines - Pinigil ng cramps si Francis Casey Alcantara, sa ikatlo at deciding set at yumuko kay Matteo Civarolo ng Italy, 2-6, 6-3, 7-5, at mapatalsik sa third round ng 20th Mitsubishi Lancer ITF Junior Championships sa Rizal Tennis Center.
Si Alcantara, ranked 17th sa mundo at seeded second sa isang linggong event, ay nakaungos sa unang set ngunit nabigong masustina ang impresibong panimula at matalo sa second set.
Magiting pa rin itong lumaban sa ikatlo at sa katunayan nakuha ang 3-2 at 5-4 abante upang bumigay lamang bunga ng cramps.
“He’s a great player, I had a hard time with him at first but I just tried not to hurry up with my returns,” wika ni Civarolo.
At nang makita ng Italyano na nasira na ang porma ng Pinoy, sinamantala ito at nagpakawala ng aces sa 10th game para itabla ang laban bago kunin ang dalawa pang games tungo sa pagselyo ng tagumpay.
- Latest
- Trending