^

PSN Palaro

Pagkakakilala kay Pacquiao may lamat na!

-

MANILA, Philippines - Kumbaga sa baso, may lamat na ang pagkakakilala ng mga Filipino kay boxing superstar Manny Pacquiao.

Ito ang pagkukumparang ginawa kahapon ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Ella Juico, sa nangyaring paglipat ni Pacquiao sa ABS-CBN at pagbalik nito sa GMA Network at sa Solar Entertainment Corporation.

 Sa tanong kung may epekto ba ang naturang aksyon ng 30-anyos na tubong General Santos City sa paghanga sa kanya ng mga fans, sinabi ni Juico na mayroon itong bahagi.

 “Definitely. Kumbaga sa baso, hindi naman nabasag pero may lamat dahil hindi maganda ‘yung nangyari,” wika ni Juico, dating Agrarian Secretary sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino, sa panayam ng DZBB. “Ikaw boksingero ka at gumagawa ka ng mga split second decision, kalmado ka at hindi ka natataranta.”

 Mula sa sinasabing pangakong ‘full media support’ para sa kanyang kandidatura sa Congressional seat ng Saranggani, lumipat si Pacquiao sa ABS-CBN para maging bagong media partner sa kabila ng pagkakaroon niya ng isang four-year contract sa Solar.

 Ang Solar ang siyang pumili sa GMA Network para isaere ang mga laban ni “Pacman”.

 “Mag-ingat siya sa susunod at isipin niya na siya ay isang role model dahil siya ay sikat, tanyag ring artista. Tinitingnan ng mga tao, ng kabataan kung ano ang kilos mo,” ani Juico kay Pacquiao. “Sabi nga ni Bob Arum, a contract is a contract. Kapag meron kayong pinag-usapan, ‘yon na ‘yung pinag-usapan puwera na lang kung nalabag at kung nalabag, may proseso at hindi ka padalus-dalos.”

 Sa kabila ng pagiging popular, natalo pa rin si Pacquiao sa isang Congressional seat sa General Santos City laban kay incumbent Rep. Darlene Custodio-Antonino.

 “Kung ikaw ay gusto mong maging isang mambabatas, ikaw ay magiging isang public official, hindi magandang pangitain ‘yon,” dagdag ni Juico. “Pero meron pa naman siyang pagkakataon na makarecover.”

Samantala, habang abala si Manny Pacquiao sa pag-aayos sa gulo sa pagitan ng mga telebisyon, abala naman ang ang kanyang kalabang si Ricky Hatton sa pagsasanay at pag-iisip ng kanyang hinaharap na laban.

Noong nakaraang Sabado, hindi nagworkout si Pacquiao at nag-dayoff ng sumunod na araw dahil sa kapaguran at stress bunga ng mga negatibong nagaganap.

Ngunit ngayon tila ayos na lahat lalo na’t opisyal na nagpahayag si Pacquiao na tutuparin niya ang kanyang local TV rights contract sa Solar Sports matapos ihayag kamakailan ang pagbalik niya sa ABS-CBN.

Dapat nagbalik na si Pacquiao sa gym noong Lunes sa kanyang pagtungo sa ikalima o ikaanim na linggo nang pagsasanay para sa pinakamalaki at pinakamapanganib na laban kay Hatton sa Las Vegas sa May 2. (Russell Cadayona)

AGRARIAN SECRETARY

ANG SOLAR

BOB ARUM

DARLENE CUSTODIO-ANTONINO

GENERAL SANTOS CITY

JUICO

KUMBAGA

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with