^

PSN Palaro

Suporta sa mga NSAs na walang medalya at nasa kontrobersya ibinalik na ng PSC

-

MANILA, Philippines - Bumabawi na si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping sa kanyang mga naunang naga-wang pagkakamali sa Philippine Olympic Committee (POC) at sa mga National Sports Associations (NSA)s.

 Sinimulan na ni Angping ang pagbibigay muli ng suporta sa mga NSAs na hindi nakakapag-uwi ng medalya at binabalutan ng kontrobersya.

 “We’re doing this to help these sports get back to their feet,” sambit ni Angping, dating pangulo ng softball association, sa kanyang ginagawang pagtataguyod sa mga sports associations na ginagabayan naman ng POC.

Matapos suportahan ang ilang programa ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP), ibinalik naman ng sports commission ang P9,000 na monthly stipend ng mga miyembro ng men at women national indoor volleyball teams.

Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ang naturang mga indoor volley teams ng monthly allowance matapos itong alisan ng tulong noong 2003 bunga ng kabiguang makahataw ng medalya sa mga international tournaments, kasama na rito ang Southeast Asian Games.

 Sa pangunguna ni Thelma Barina, naiuwi ng women’s indoor team ang gold medal mula sa Singapore SEA Games noong 1993 bago mangamote sa mga sumunod na taon. Si Barina ngayon ang bagong head coach ng women’s squad.

“Mas malaking allowance naman ang ibibigay ng PSC sa beach volley teams dahilan sa mas malaking tsansa nitong makakolekta ng medalya sa 2009 Laos SEA Games,” dagdag ni Angping.

 Sa likod nina Filipino-American beach volleybelles Diane Pascua at Heidi Illustre, nasikwat ng Team Philippines ang bronze medal sa 2005 SEA Games. (RCadayona)

vuukle comment

ANGPING

DIANE PASCUA

HARRY ANGPING

HEIDI ILLUSTRE

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SI BARINA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with