11th UP Chancellor's Cup National Invitational Table Tennis tilt

Nakatakdang humataw ang 11th U.P Chancellor’s Cup National Invitational Table Tennis Tournament sa Marso 31- April 4, 2009, na iniindorso ng UP College of Human Kinetics.

Inaasahang paglalaban ang 24 events at may karagda-gang tatlong espesyal na event para sa ‘Liha’ (sandpaper) racket players.

Ang unang tatlong araw (March 31-April 2) ay idaraos sa U.P. CHK gym sa may Diliman Preparatory School at Star Mall sa Alabang sa Abril 3- 4.

Ang naturang event na binuo ni Prof. Oscar Yoshihiro S. Santelices at handog kay incumbent Chancellor Sergio Cao ay magbibigay ng P200,000 papremyo sa mga magwawagi.

Magsisilbing basehan ng pagpili ng national junior pool ang naturang event na may basbas ng TATAP para sa Luzon chapter bilang pagha-handa sa Asian Youth Olympic Games sa Singapore sa Hunyo at World Youth Olympic Games sa 2010. Ang iba pang event ay gagawin sa Bacolod City mula May 20-24, 2009 na magiging batayan naman sa   pagpili ng mga kandidato ng atleta para sa Visayas at Mindanao.

Para sa ilang detalye bumisita sa www.gtcsports.net o www.philtt.com  na siyang official website para sa event. Para sa iba pang impormasyon kontakin si Prof. Oscar Yoshihiro S. Santelices, Cell no. 0917-880-6061 / 0923-504-3042. Ang mga entries ay maaring i-email sa oskies@yahoo.com o i-faxed   sa 924-1893 / 929-6033. (RMP)

Show comments