^

PSN Palaro

Kawalan ng Muay Thai

GAME NA! - Bill Velasco -

Ang laking pagkabigla ko nang mabalitaan ko sa kasamahan sa trabahong si Peter Paul Lucas tungkol sa pagkapaslang kay Roberto Valdez. Ilang linggo lamang nang huli kaming mag-usap, kaya’t para di kapani-paniwala na wala na siya. Ang pagkakilala ko pa naman kay Robert ay puno ng buhay. Sumama pa ang loob ko dahil nasa kalagitnaan ako ng isang mahabang biyahe sa kaibuturan ng China.

Noon lamang Enero ay nagkausap kami dahil sa sigalot na kinasangkutan niya sa Philippine Olympic Committee elections, nang pabagsakin niya ang isang security guard na - ayon sa kanya - ay humawak sa kanya ng tatlong beses upang usisain kung sino siya. Humingi siya sa akin ng saklolo, at minasama pa ng ibang tao ang pagbibigay niya ng panig niya.

Mula nang makilala ko si Robert ilang taon na ang nakalilipas, hanga ako sa tindi ng paniniwala niya sa kakayahan ng mga atleta niya.

Malalim din ang pakikipagkaibigan ni Robert sa matataas na opisyal sa Thailand, mula sa mga heneral na sumusuporta sa muay thai, maging sa mga namumuno ng kanilang oil company na PTT. Dahil sa mga relasyong ito, unti-unting lumalaganap ang muay thai, lalo na sa mga lalawigan.

Isa sa mga sinimulan ni Robert na pryekto ay ang “Battle of the Best”,kung saan pinagsasama-sama ang lahat ng mga nagwawagi sa mga regional tournaments, at ipinaglalaban sa mga national athlete. Kasama dito, matagal na siyang may plano na gumawa ng isang lingguhang programa sa telebisyon hinggil sa muay thai. Nakagawa na nga kami ng pilot episode, subalit naudlot ang proyekto.

Natatandaan ko na natatawa ako kay Robert dahil lagi siyang nag-iisip ng paraan upang kumita ang muay thai. Kung saan-saan siya nakakarating, at marami rin siyang nakukumbinsi na isponsor na tumulong. Aktibo rin siya sa pagtataguyod ng mga grupo sa iba-ibang lalawigan, at matagumpay din namang naaalalayan silang tumakbo sila sa sarili nilang paa.

Naaalala ko sa naisip ko minsan na sana lahat ng pinuno ng national sports association ay ganito katindi ang pagmamahal kanilang mga larangan. Nakita ko kasi ang sipag na ipinuhunan niya, at bagamat ay paminsan-minsang pumapalya ang kanyang Ingles, napaparating naman niya ang ibig niyang sabihin, at napapabilib din niya ang mga nakakausap niya.

Di ko na nais malaman kung bakit pinatay si Robert, dahil hindi iyon ang mahalaga. Masasabi kong hindi ko kilala si Robert sa labas ng muay thai, subalit nakita ko ang kagandahan ng kanyang mga intensyon sa kanyang trabaho sa asosasyon.

Para sa akin, mahalaga ngayon ang paghahanap ng magpapatuloy ng mga magandang naipunla niya para sa muay thai, at magpatuloy ng mga ipinangarap niya: ang magkaroon ng Pinoy na sasali sa The Contender Asia, at pagsapi sa binubuong World Boxing Council muay thai. Matibay na rin ang mga programa niya, at sa tulong ng mga kaibigang tulad ni Muay Thai Association of the Philippines chairman Robin Padilla, mapapalago pa ang ibang plano niya.

Sayang lang at hindi maaani ni Robert ang kanyang mga itinanim.

BATTLE OF THE BEST

CONTENDER ASIA

MUAY

MUAY THAI ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

NIYA

PETER PAUL LUCAS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

ROBERT

THAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with