^

PSN Palaro

Reyes sinilat ni David

-

BAGUIO CITY , Philippines – Bumangon si dating two-time World Juniors campaigner Rene Mar “Revo” David mula sa three-rack deficits upang sorpresahin si Efren ‘Bata’ Reyes at umusad sa quarterfinals ng Manny Villar Cup Panagbenga leg kahapon sa dinumog na Events Center ng SM City Baguio.

Matapos matalo sa unang tatlong racks kay Reyes, bumangon ito sa sumunod na tatlong antas. Muling nakuha ni Reyes ang apat sa sumunod na limang frames para sa 7-4.

Ngunit ng sa akala ng marami na nakuha na ni Reyes ang panalo, prinotektahan ni David ang sariling breaks at sinamantala ang ilang miscues ni Reyes upang ibulsa ang limang sunud-sunod na racks para itala ang pinakamalaking upset sa torneong ipiprisinta ng Senator Manny Villar’s Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports.

Samantala, nakabangon naman si dating world no. 1 Francisco ‘Django’ Bustamante mula sa ilang racks na pagkakabaon upang pigilan ang upset ni Jordan Legaspi, 9-7 at magmartsa sa second round ng P800,000 event na ito na suportado ng Camella Communities.

Sa iba pang Last 16 matches, pinatalsik ni dating national champion Lee Van Corteza si Bacolod leg titlist Rodolfo Luat habang ginapi naman ni Egie Geronimo si Cebu leg winner Gandy Valle.

Apat pang second round matches ang nilalaro habang sinusulat ang balitang ito at ito ay sa pagitan nina Dennis Orcollo vs Ricky Zerna, Warren Kiamco laban kay Benjie Guevarra, Ronnie Alcano kontra William Millares at Roberto Gomez vs Mike Takayama.

BENJIE GUEVARRA

CAMELLA COMMUNITIES

CITY BAGUIO

DENNIS ORCOLLO

EGIE GERONIMO

EVENTS CENTER

GANDY VALLE

JORDAN LEGASPI

LEE VAN CORTEZA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with