^

PSN Palaro

Wushu, Outstanding NSA ng 2008

-

Dahil sa kanilang pinaka-outstanding na taon na kinakitaan ng pagdomina ng kanilang mga atleta hindi lang sa Asian kundi maging sa world stages, ang Wushu Federeration of the Philippines ang napili ng Philippine Sportswriters Association (PSA) na tumanggap ng Outstanding National Sports Association para sa taong 2008.

Ang naturang karangalan ay ipagkakaloob ng organization sa Pebrero 20 sa gaganaping San Miguel Corporation-PSA Annual Awards Night sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion Hotel.

Pinangungunahan ni Willy Wang, ang wushu ang siyang pinanggagalingan ng karangalan para sa Philippine sports noong nakaraang taon na sinimulan sa Macau patungo sa Beijing.

Ang 24-anyos na si Wang ang nagsilbing mukha ng wushu team, nanalo ng gintong medalya sa nandao event (Southern single-edged sword) sa 7th Asian Wushu Championship.

Bago nakopo niya sa nasabi ring taon ang panibagong ginto nang manguna sa men’s nanquan at nangun combined sa Wushu Tournament ng Beijing 2008, isang special side event na idinaos kasabay ng Olympics.

Bagamat hindi ibinilang ang nasabing medalya sa opisyal na tally sa Beijing Games, ang nasabing panalo ni Wang ang bahagyang nag-angat sa masamang kampanya ng bansa sa nasabing quadrennial meet.

At dahil rin sa kanyang tagumpay, pagkakalooban rin si Wang ng major award ng pinakamatandang media organization sa bansa na binubuo ng mga editors at sportswriters ng iba’t ibang broadsheets at tabloids sa dalawang oras na seremonya na hatid ng PAGCOR.

vuukle comment

ALEGRIA LOUNGE

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIAN WUSHU CHAMPIONSHIP

BEIJING

BEIJING GAMES

MANILA PAVILION HOTEL

OUTSTANDING NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

SAN MIGUEL CORPORATION

WILLY WANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with