Go, Rivero magpapakitang gilas

Babanderahan nina Olympians Tshomlee Go at Toni Rivero ang mahigit sa 800 jins na maglalabanlaban para sa karangalan sa Smart/Petron Carlos Palanca Jr. (CPJ) taekwondo championship ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Inihayag rin ni PTA president Robert N. Aventajado na ang poomsae, na nangangahulugan na isang forms, ang isa sa events na paglalabanan sa isang araw na competition na hatid ng SMART Communication, PLDT, Petron, Milo, Adidas at Philippine Sports Commission.

Tangka rin nina Go, Rivero at iba pang blackbelts sa bansa ang puwesto sa Philippine team pool. Ipamamalas ng mga kalahok na atleta ang kani-kanilang tokas sa senior, junior at gradeschool division sa sparring events.

Mayroong limang division-individual men at women, team men at women at pair, na ang bawat division ay binubuo ng pitong kategorya ito’y ang junior, 1st senior, 2nd senior, 1st master, 2nd master, 1st team at 2nd team.

Show comments