Gold ni Wang sa Beijing Olympics may importansiya
Hindi man naibilang ang gintong medalya na isinubi ni Willy Wang sa Beijing noong nakaraang taon sa opisyal tally ng Olympic Games, ito ay isa na ring malaking karangalan para sa mga Filipinos.
Dinomina ng 24-anyos Filipino bet ang men’s nanquan at nangun event na pinagsama sa Wushu Tournament sa Beijing 2008, isang special event na sabay sabay na idinaos sa Olympics na nagtatampok sa mga top wushu artists mula sa buong mundo.
Ang tagumpay ni Wang ang pansamantalang nag-paangat sa panibagong pagkabigo ng kampanya ng bansa sa quadrennial meet.
At bagamat kinapos lamang siya ng achievement para makuha ang Athlete of the Year award, si Wang ay isasama pa rin sa mga major awardee na pararangalan sa nalalapit na San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night.
Ang four-time world champion na si Manny Pacquiao ang nagkakaisang pinili para tanghaling 2008 Athlete of the Year ng mga editors at sportswriters mula sa national broadsheets at tabloids.
Major sponsor ang Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Annual Awards Night na nakatakda sa Pebrero 20 sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion.
- Latest
- Trending