Angping mangunguna sa PSC flag ceremony
Magtutungo lamang ang bagong Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Harry Angping sa flag ceremony ngayong umaga sa Rizal Memorial Sports Complex ngunit sa Miyerkules pa opisyal na magtatrabaho.
Ang desisyon ni Angping, iniluklok ng Macalañang bilang pang walong PSC chief kapalit ni William “Butch” Ramirez, ay base na rin sa paniniwala ng mga Tsinoy kaugnay sa galaw ng mga bituin at araw.
“Based on feng shui, of which I am a firm believer, I can do anything beginning on Monday except occupy that chairman’s table on Wednesday at exactly 9 a.m.,” sabi ni Angping.
Ang dating kinatawan ng Maynila sa Kongreso at dating pangulo ng softball association, ay ang tumayong chief campaigner ni shooting association head Art Macapagal, ang halfbrother ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sa nakaraang presidential election ng Philippine Olympic Committee (POC) na muling mamandohan ni Jose “Peping” Cojuangco, Jr. (RCadayona)
- Latest
- Trending



















