Game 1: Talk N Text vs Alaska
Kung kelan mas matindi at nasa finals na ang Talk N Text, saka pa sila mawawalan ng Ranidel de Ocampo.
Sa pagsisimula ng titular showdown ng Talk N Text at Alaska ngayon, iseserve ni ng nakababatang De Ocampo ang kanyang one-game suspension.
Paralisadong haharapin ng Tropang Texters ang Alaska sa opening game ng kanilang best-of-seven championship para sa titulo ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum ngayon.
Ang pagkawala ni De Ocampo ang magbibigay ng bentahe sa Aces sa kanilang alas-7:30 ng gabing sagupaan pagkatapos ng sagupaan ng natanggalan ng koronang Sta. Lucia Realty at San Miguel Beer sa alas-5:00 ng hapon.
Ang flagrant foul na penalty 2 kay Lordy Tugade sa Game-6 ng kanilang semifinals series kontra sa SMBeer noong Linggo ang dahilan ng pagkakapatalsik sa layo ng 6-foot-7 na si De Ocampo ang dahilan ng kanyang pagkakasuspindi bukod pa sa multang P20,000.
Gayunpaman, optimistiko si coach Chot Reyes na hindi makakapigil sa kanila ang pagkawala ni De Ocampo.
“Ranidel is a huge part of our team, but we’ve shown, that minus him, we can find a way to win,” ani Reyes. “For one, Yancy (ang nakatatandang De Ocampo) is back and he’ll take the cudgels. It’s the finals and we’ll go hammer and thongs to win.”
Nakapasok sa finals ang Tropang Texters matapos sibakin ang Beermen sa kanilang best-of-seven semis series na tinapos nila sa 4-2 panalo-talo matapos ang 116-115 overtime win noong Linggo sa Game-6.
“No doubt Talk N Text is not stronger in Ranidel’s absence. But that’s not a guarantee of an advantage for us. They have lots of weapons and lots of versatility,” ani Cone.
Hinubaran ng Aces ang Realtors ng titulo nang tapusin din nila ang sariling best-of-7 semis series sa 4-2 matapos ang 87-86 panalo noong Linggo. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending