Reigning World Junior champion bumagsak sa kamay ni 'Bubwit'
Muling pinatunayan ni Johann ‘Bubwit’ Chua na siya ang susunod na henerasyon ng Philippine billiards nang pabagsakin ng 16-year-old sensation hang reigning World Juniors champion Ko Pinyi, 12-11, sa challenge match noong Biyernes ng gabi sa One-Side Billiards Center sa Ermita, Manila.
Nagpamalas ng impresibong laro si Chua, member ng starstudded Bugsy Promotions ni businessman Perry Mariano, nang magbangon ito mula sa three-racks down upang pabagsakin ang 19-gulang na Taiwanese para sa $1,000 pot.
“This kid (Chua) is one of the futures of Philippine billiards,” ani Mariano. “He could be a world juniors champion if only he was given a chance to compete in there.”
Sa panalong ito, si Chua ay isa sa mga top favorites sa Search for the New Billiards Idol na magbubukas ng second season ngayon sa Superman Sports Bar sa Libis, Quezon City.
Makakasama ni Chua ang ilang aspiring cue artist na nais mapasama sa elite circle ng world-renowned Filipino pool masters sa pamamagitan ng yearlong series ng tournaments na itinataguyod ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) at kinokonsiderang premier grassroots development program ng Philippine billiards.
“This is our commitment, and we’re doing it in the absence of a program from those who are supposed to do it,” ani Mariano.
Noong nakaraang taon, ang ‘Billiards Idol’ ay nilahukan ng 300 wannabes sa kanilang 15 preliminary legs, kabilang ang mga provincial stops sa Davao at Bacolod at ang Grand Finals na kinatampukan ng 27 top performers sa preliminaries.
- Latest
- Trending