Nokia RP Youth Under 16 players, hanap

Magdadaos ng tatlong araw na tryouts para sa Nokia RP Under 16 si coach Eric Alta-mirano para sa koponan mula Enero 2-4, 2009 sa Jacinto Tiu Court sa Xavier School sa Greenhills, San Juan.

Sinabi ni Altramirano na lahat ng Filipino players na ipi-nangangak mula Enero 1, 1993 ay imbitadong dumalo sa tryouts sa ganap na alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi. Kailangang dumalo ang mga manlalaro ng tatlong araw na tryouts.

“We will be building the around sound fundamentals, quickness and good outside shooting, “ wika ni Altamirano.

Ang RP Nokia U16 team ay bubuuin ng mga players na manggagaling sa tryouts at galing din sa team na kalahok sa ginaganap na Nokia National Basketball Training Center (NBTC) D-League.

Sila rin ang ipapasok sa serye ng international compe-titions bilang run-up sa FIBA-Asia 16 Under tournament. Sinabi ni Altamirano na may Southeast Asian Basketball Association (SEABA) youth tournament sa May, kung saan ang top two placers ay seeded sa FIBA-Asia 16 Under Tournament.

Para sa ilang katanungan tumawag sa SBP office sa 706-2969-70, Lunes hanggang Biyernes at hanapin si Ms. Love Viray.

Show comments