Outright semis target uli ng Hapee
Hangad ng Hapee Toothpaste na muling buhayin ang kanilang pag-asa para sa outright semifinal slot sa pakikipagharap sa Pharex sa pagpapatuloy ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng Complete Protectors at ng Generic pagkatapos ng sagupaan ng Bacchus at Toyota Otis sa alas-2:00 ng hapon.
Matapos masira ang kanilang diskarte sa 103-106 pagkatalo sa Bacchus Energy Warriors noong Linggo, hangad ng Hapee na makabawi upang pagandahin ang kanilang 4-4 kartada na nasa likod ng league leader na Harbour Centre (8-1) at Magnolia (7-2)
Ang panalong ito ng Bacchus, na pinagbidahan ng Paul Lee sa pagtatala ng conference high na 27-puntos, na magkasunod na nagpalawig sa kanilang 4-5 panalo-talo.
Nasa kontensiyon pa rin sa awtomatikong semis slot ang Hapee ngunit kailangan nilang ipanalo ang huling apat na laro upang manatiling buhay ang kanilang tsansa.
Sa tulong ni Jappy Pascual, umaasa ang Hapee na madu-duplika nila ang kanilang 94-85 panalo laban sa Generix sa kanilang unang pagkikita.
“We want to have a merry, merry Christmas, so I told the boys to give their all,” sabi ni team manager Bernard Yang. “It’s hard to celebrate the holidays with so many things to think.”
Dahil may 1-7 kartada lamang ang Pharex, kailangan nilang ipanalo ang huling apat na laro para makapasok sa quarterfinal round.
Nanalo naman ang Sparks sa Energy Warriors sa kanilang unang pagkikita, 91-86 sa unang round at hangad nilang maduplika ito upang palawigin ang 4-5 kartada. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending