Tañamor pasok sa semifinals
Nalusutan ni Beijing Olympian Harry Tañamor ang quarterfinal rounds makaraang maungusan si Murodjon Rasulov ng Tajikistan, 8-4 decision sa mahigpitang World Cup Championships sa Moscow.
Lumaro sa gitna ng ring si Tañamor sa lahat ng apat na rounds at ginamit ang mas mahabang biyas at karanasan upang daigin si Murodjan at umusad sa semifinals.
Makakaharap niya si Lukasz Masczczyk ng Poland na tinalo si Beijing quarterfinalist Paulinho Carvalho ng Brazil sa dikit na 9-7 iskor.
Ang torneong ito ay humatak ng 88 boxers na naimbitahan na karamihan ay pawang galing Russia at Cuba na nagpadala ng pinakamaraming bemedalled boxers.
Ang biyaheng ito sa Moscow ay naging posible sa tulong ng Philippine Sports Commission at Pacific Heights.
- Latest
- Trending





















