Anim na miyembro ng Smart/Petron junior taekwondo team ang humakot ng 6 golds sa katatapos na 4th Korea Open international championships sa Gyeonggi, South Korea.
Binanderahan nina veteran campaigners Charizza Alombro at Maria Camille Manalo ang impresibong performance nang magreyna sila sa junior women’s fly at middleweight division, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang gold medal winners ay sina bantam Leigh Anne Nuguid, welter Jade Zafra at Mary Joannina Langit at feather Ronnel Yadao.
Nakasungkit din ng tatlong silver at apat na bronze medal ang mga Pinoy sa torneong humatak ng mga beteranong junior jins mula sa 60 bansa.