Batang Pier lumapit sa sweep

Nag-init sa ikaapat na yugto ng laro ang defending champion Harbour Centre upang itala ang 82-60 panalo at lumapit sa pagkumpleto ng six-game sweep sa first round sa PBL PG Flex Linoleum Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Protektado ng kanilang 55-49 abante patungo sa final 10 minutes, lalong nagpakatatag ang Batang Pier ng umiskor si Boyet Bautista ng 8 sa kanyang kabuuang 14 puntos na bumandera sa six-peat seeking Harbour Centre sa kanilang ikalimang panalo sa 7-team tournament.

Samantala, gumanda ang porma ng Magnolia Purewater sa final half tungo sa 86-73 panalo laban sa Hapee Toothpaste.

Sa ikalawang laro, nanaig ang Toyota Otis sa Pharex Generix, 85-82.

Show comments