Inaasahang magtu-tuluy-tuloy na ang mga programa ng BAP-Sama-hang Basketbol ng Pilipinas BAP-SB, matapos i-re-verse ng Court of Appeals ninth division ang desisyon ng Manila Regional Trial Court na ipawalang bisa ang June 12 National Con-gress at pinagtibay ang pagkakahalal kay Manny V. Pangilinan bilang presi-dente ng asosasyon.
Pinagtibay ni Associate Justice Josefina Guevara-Salonga ang pagkakahalal ni Pangilinan bilang pangulo at binalewala ang naganap na pagtitipon noong June 12 kung saan hindi rin kini-lala ang mga nahalal na opisyal sa pamumuno ni Prospero Pichay na siyang nagsampa ng kaso sa RTC.
“Our wish is that sana tapos na ‘to,” ani SBP presi-dent at telecommunications mogul Manny V. Pangilinan. “Let’s not include politics when it comes to sports matters. There are more important things to do than this (legal dispute).” (Mae)