2 sunod sa Nutri-C-Ateneo
Sumulong ang Nutri-C-Ateneo sa ikalawang sunod na tagumpay matapos ang 59-58 panalo sa Oracare-College ng St. Benilde sa Women’s Philippine Basketball League (WPBL) kahapon na nagpatuloy sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.
Ginamit ng Lady Eagles ang kanilang height advantage para maagang kontrolin ang game ngunit kinailangan nilang pigilan ang pagbangon ng Oracare sa endgame upang manatiling walang talo sa 10-team field tournament na naglalayong buhayin ang ‘awareness’ sa women’s basketball.
Sa pagkamada ni Leonette Salvacion ng siyam sa kanyang team-high 15 points sa fourth frame, humabol ang Oracare mula sa 11-point deficit upang bigyang kaba ang Nutri-C ngunit naging matatag ang Katipunan-based squad para pigilan ang tangkang upset ng Taft-based squad.
Unang nanalo ang Nutri-C-Ateneo sa Sunkist-La Salle sa kanilang debut game noong nakaraang linggo.
Sa iba pang laro, nanalo din ang Xtreme Philippine Women’s Youth at Smart Sports-University of the Philippines sa kani-kanilang debut game.
Sa pamumuno ni Katherine Sandel sa balanseng atake ng Xtreme-RP belles, nahatak nila ang 80-62 panalo laban sa Mail & More habang sumandal naman ang Smart-UP sa mainit na shooting ni Joan Roma sa ikaapat na quarter upang makumpleto ang 66-62 come-from-behind win kontra sa Muscle Tape-Lyceum.
- Latest
- Trending