^

PSN Palaro

2 batang Pinoy boxers may ibubuga

-

GUADALAJARA, Mexico — Nagpamalas ng impresibong panalo sina lightflyweight Gerson Nietes Jr. at lightweight Rolando Tacuyan habang nabigo naman si flyweight Welbeth Loberamis sa mas magaling na kalaban sa  First International Boxing Association Youth World Championships noong Linggo sa Lopez Mateos Gymnasium dito.

Pinayuko ni Nietes si Puerto Rican Carlos Narvaez, 11-5 habang emeksena naman si Tacuyan nang sorpresahin nito ang Hungarian na si Erik Sos sa pamamagitan ng referee stopped contest may apat na segundo ang nalalabi sa second round.

Si Tacuyan, kapatid ng national men’s team member na si Orlando Jr., ay abante na kay Sos sa 7-8 nang itigil ang laban at nakuha ang panalo nang inundayan niya ng sunud-sunod na kombinasyon sa ulo ang kalaban na nagpuwersa sa reperi na bilangan ng tatlong beses sa nasabing bout.

At upang maiwasan na ng injury, binilangan ng reperi ang hilong si Sos nang isang beses sa first round at dalawang ulit sa second patungo sa tagumpay ni Tacuyan.

Hindi naman pinalad si Loberamis, opening day winner, na masundan ang kanyang tagumpay nang yumuko ito kay Jonathan Gonzales ng Puerto Rico, 18-5 sa slugfest na tinampukan ng mga pinakamahuhusay na boksingero sa 17-18 year-old category.

Sunud-sunod na iskor ang nakuha ni Gonzales sa pamamagitan ng malulutong na left at right hooks kontra sa mas matangkad na Pinoy na hindi na nakabangon mula sa 2-7 panimula.

Hindi alam ng kalaban, nagkaproblema si Nietes sa hiniram na mouthguard kay Loberamis. Dahil dito napuwersa si Nietes na gumamit ng bagong mouthpiece nang utusan siya ng reperi na palitan niya ang itim na mouth-piece sa puti.

Nakuha ni Nietes, pinsan ni WBO titlists Donnie, ang 5-2 abante sa kalagitnaan ng laban hanggang ikaapat na round. Tinapos niya ang ikatlong round sa pamamagitan ng malutong na right hook na tumama sa mukha ng Puerto Rican at makuha ang 8-4 bentahe.

Para makapasok sa quarterfinals, kailangang pataubin ni Nietes si Jasurbek Latipov ng Uzbe-kistan sa Martes. Nalusutan ng Uzbek fighter si Seguk Eker ng Turkey, 10-8.

ERIK SOS

FIRST INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION YOUTH WORLD CHAMPIONSHIPS

GERSON NIETES JR.

JASURBEK LATIPOV

JONATHAN GONZALES

LOBERAMIS

LOPEZ MATEOS GYMNASIUM

NIETES

ORLANDO JR.

PUERTO RICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with