Nagpakawala si Stephanie Mercado ng career-high 19 hits nang bumangon ang La Salle mula sa pagkakalugmok at masweep ang sumunod na tatlong set tungo sa 18-25, 25-23, 25-18, 25-16 tagumpay laban sa San Sebastian College upang masolo ang liderato na may dalawang panalo sa Shakey’s V-League second conference sa The Arena sa San Juan kagabi.
Galing sa panalo laban sa Far Eastern U sa kanilang pagbabalik sa liga, nagpamalas ng husay at bilis upang ipakita ang pormang pangkampeonato.
Samantala, kumuha ng lakas ang Ateneo mula sa kanilang mga guest players at rookies, upang igupo ang Lyceum, 25-14, 25-21, 12-15, 25-21, kahapon .
Nagtulong sina Michelle Laborte at alumna Ma. Rosario Soriano sa kabuuang 29 hits, kabilang ang 25 kills nang kanilang basagin ang depensa ng Lyceum habang nag-ambag naman ang third year player na si Misha Quimpo ng 12 para sa Lady Eagles.
Nakakuha din ng solidong laro ang Loyola-based squad mula sa mga baguhang sina Fille Cainglet, Angeline Gervacio at Jem Ferrer, na umiskor ng 16 hits kabilang ang 10 mula kay Cainglet.
Ang Ateneo-Lyceum game ay ipapalabas sa NBN-4 simula alas-2:00 ng hapon ngayon at may replay sa Viva Prime Channel sa Destiny Cable at Makisig Channel sa Sky Cable.
Para sa updates at results, bisitahin ang tournament website ng liga na inorganisa ng Sports Vision, at suportado rin ng Active White skin whitening products, Mikasa at Accel sa www.v-league.ph.