RP Youth volleybelles bigo sa Taiwan

Naglaho ang pag-asa ng RP Youth volleybelles sa fifth place finish matapos mabigo sa Chinese-Taipei, 25-17, 25-18, 25-9 sa 7th Asian Youth Girls Volleyball Championship sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Tanging seventh place na lamang ang pag-asa ng mga Pinay bunga ng kabiguang ito at makakalaban nila ang Australia ngayong alas-11:00 ng umaga para sa seventh at eighth slots.

Makakaharap naman ng Taiwanese ang Indonesia para sa fifth at sixth place ngayong ala-una ng hapon.

Magiting na nakipaglaban ang mga Pinoy ngunit hindi nila kinaya ang mahusay na depensa ng mga Taiwanese na nagrehistro ng 34-of-67 digs laban sa 9-of-65 ng Philippines.

Nagdeliber si Wei Wen Huang ng 15 points, 13 sa kills, at nagsumite naman si Ai Shih Wang ng eight kills at dalawang blocks para sa Chinese-Taipei.

Nagtulong naman sina Aleona Santiago at Alyssa Valdez sa 14 points para sa RP Team.

Sa iba pang laro, nanalo ang Indonesia sa Australia, 25-23, 25-21, 25-27, 21-25, 15-11; Ka-zakhstan sa India, 25-22, 24-26, 25-18, 25-19, at Iran sa Sri Lanka, 25-19, 25-14, 29-27.

Show comments