^

PSN Palaro

Umpisa na ng seryosong training

-

Sa pagtatapos ng kanilang six-city promotional tour kahapon na nagsimula noong Oktubre 1 sa Statue of Liberty sa New York, magsisibalik na sa kani-kanilang training camp sina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya.

 Kaagad na sisimulan nina Pacquiao at American trainer Freddie Roach ang kanilang training session sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California, habang sa Big Bear Gym naman mag-eensayo si Dela Hoya sa ilalim ni Mexican Ignacio “Nacho” Beristain.

 “We’re going to close down the gym so that Manny can concentrate on the training and avoid those distractions,” wika ng 48-anyos na si Roach sa pagsasara niya ng kanyang Wild Card Gym sa mga fans.

Bago pa man ang kanilang promotional tour ng 35-anyos na si Dela Hoya para sa kanilang ‘Dream Match’, kumuha na ng dalawang light middle-weight fighters at isang welterweight boxer si Roach bilang mga sparring partners ng 29-anyos na si Pacquiao.

Kagaya ni Pacquiao, agad ring sisimulan ni Dela Hoya ang kanilang training session ni Beristain sa Big Bear, dati ring pinag-ensayuhan ni Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera.

“I need this event to get into the mountains and isolate myself for 3 months. It is a huge challenge for me. I have to prove to myself that I can still do this,” ani Dela Hoya. “We are both going to be in tremendous shape. I know the abilities of Manny Pacquiao. The heart that he has and the fire that he has is a big threat to me.”

Naniniwala naman si Pacquiao, tinalo na ang mga Mexican champions na sina Barrera, Erik Morales, Juan Manuel Marquez at Oscar Larios, na siya pa rin ang susuportahan ng mga Mexicans at hindi si Dela Hoya.  

“A lot of Mexicans are behind me and I’m going to prove to everyone that I’m number one pound for pound,” wika ni Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) lightweight champion.

Nagtapos ang nasabing six-city promotional tour ng Top Rank at Golden Boy Promotions sa Whittier Blvd. Arch sa East Los Angeles kung saan lumaki si Dela Hoya.

 Makaraan ang New York, dumiretso ang dalawang grupo sa Sears Tower sa Chicago, Space Center sa Houston, The Alamo sa San Antonio at sa Golden Gate Bridge sa San Francisco kung saan inalaska ni Roach si Dela Hoya. (RCadayona)

BERISTAIN

BIG BEAR

BIG BEAR GYM

DELA

DELA HOYA

DREAM MATCH

HOYA

NEW YORK

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with