Sikreto ng Ateneo
Isa sa mga di nalalaman ng karamihan kung bakit napakahirap magkampeon ang Ateneo de Manila sa basketbol at iba-ibang sports ay dahil may karagdagang rekisitos para sa mga estudyanteng atleta.
Sa kasaysayan ng paaralan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbagsak ng mga varsity players, mula pa noong panahon bago ang World War II.
Hindi pumapayag ang mga Amerikanong pari na ang atleta ay tatanga-tanga.
“The attitude of the American Jesuit administration was much, much more concerned with helping their athletes because they were very intense in athletics as much as academics,” paggunita ni Vic Sison, direktor ng Ateneo Sports Hall of Fame.
Isa sa mga bumuo sa NCAA noong 1923, ang Canadian-American na si Henry B. McCullough, SJ, ay isa sa mga gurong tunay na nagmahal sa football at basketbol.
“He would tell his class ‘I would be very happy if all of you attended the football game,” ayon kay Sison. “ At the game he would bring his notebook and take the roll. If you’re there, you get twenty points plus in the semestral exam!”
Dahil siya ang goalkeeper ng koponan, awtomatikong nakukuha niya ang twenty point bonus. May karagdagan pang limang puntos tuwing may maililigtas siyang goal. Pagdating ng exam, may 185 puntos na siya, kaya’t di na niya kailangan pang kunin ang test.
Noong panahon ng 1950’s naagawan ng Ateneo ng dalawang championship sa men’s basketball ang San Beda College sa NCAA. Subalit ang dalawang manlalaro doon ay nagtagal lamang ng dalawang taon, at ang isa pa ay tatlong taon lamang ang ipinirmi doon dahil sa paghihirap sa pag-aaral. Noong 1970’s, ang star player ng isa pang champion team ng Ateneo ay bumagsak at di na bumalik.
Noong 2007, natalo ang Ateneo sa isang importanteng laro laban sa De La Salle dahil kasabay ang mga philosophy orals ng ilan sa mga manlalaro ng Blue Eagles. Ipinagpapatuloy lamang nila ang di-nababaling tradisyon ng kanilang paaralan.
Ang tawag sa Latin ay “mens sana in corpore sano”, o “sound mind in a sound body”.
- Latest
- Trending