Ordinaryong eleksiyon sa POC
Isang ordinaryong botohan lamang ang mangyayari sa darating na Philippine Olympic Committee (POC) elections sa Nobyembre 26.
Ito ang sinabi ni Francisco Elizalde, kinatawan ng International Olympic Committee (IOC) sa Pilipinas, kaugnay sa nasabing okasyon kung saan magtatapat sina incumbent Jose “Peping” Cojuangco, Jr. ng equestrian federation at Art Macapagal ng shooting association para sa presidential race.
“It’s more or less like your normal voting procedure and there’s nothing very complicated,” wika ni Elizalde. “The only thing is there are only a few candidates because we also have a few positions to be fill in.”
Isang three-man committee na binubuo nina dating Rep. Victorico Chavez, Ateneo De Manila University athletic director Ricky Palou at De La Salle University athletics head Bro. Bernie Oca ang binuo ni Elizalde para sa naturang POC Elections.
Si Chavez, katuwang ni Cojuangco sa Kongreso na nag-akda ng Republic Act 9064 na nagtatag sa Philippine Sports Commission (PSC) noong 1990, ay ang chairman ng POC Ethics Committee at ng Arbitration Committee.
“The voting will be in a secret ballot. And whoever gets the majority wins and if there are more than two candidates, the two who gets the highest votes, unless one of them gets the majority, has to go to a second ballot,” wika ni Elizalde.
Pormal na ipapakilala ni Elizalde sina Chavez, chairman ng POC Ethics at Arbitration Committee, Palou at Oca sa POC General Assembly sa Miyerkules. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending