^

PSN Palaro

Orcollo, Pagulayan umusad sa semis

-

Guangzhou, China--Nanatili ang posibilidad ng paghaharap nina 2004 World Pool champion Alex Pagula-yan at WPA World No. 1 Dennis Orcollo sa finals mata-pos makasulong ang dalawa sa semifinals sa pamamagitan ng kanilang magkahiwalay na quarterfinal wins sa penul-timate leg ng Guinness 9 Ball Tour 2008 kahapon dito sa Garden Hotel sa Guang-zhou, China.

Pinabagsak ni Pagulayan si Satoshi Kawabata ng Japan, 9-3, habang dinurog naman ni Orcollo si Toh Lian Han ng Singapore, 9-1.

Nagharap ang dalawa sa finals ng Singapore leg, kung saan nakopo ni Pagulayan ang korona laban kay Orcollo.   Nakakasiguro na ang dalawa ng $3,500 (P164,500) mata-pos makarating sa semis at may tsansa silang manalo ng top prize na $15,000 (P705,000) sa event na inor-ganisa ng ESPN STAR Sports.

Mula sa 3-4 pagkakahuli, kinuha ni Pagulayan ang limang sunod na racks sa sunud-sunod na error ni Kawa-bata para sa 8-4 kalamangan.

“I kind of feel sorry for him (Kawabata) since he’s my friend and he made a lot of mistakes, but when you’re playing against each other you forget about friendships and I just went for the kill,” ani Pagulayan.

Sa laban ni Orcollo, bagamat may konting drama, makaraang kunin ng Pinoy ang ang unang walong racks at may ginintuang tsansang ma-whitewash ang ikasiyam na rack, hindi nito nakuha ang tira sa 4-ball ng 9th rack na nagbigay ng pagkakataon sa Singaporean na makuha ang naturang rack para hindi mablangko.

At dala ang break sa 10th rack, nagkaroon ng pagkaka-taon si Toh na makakuha pa ng isang rack ngunit isang foul ang nagawa ng Chinese sa one-ball at dito tuluyang isinara ni Orcollo ang laban sa pamamagitan ng 5-9 combi-nation.

Susunod na makakalaban ni Pagulayan si Wang Hung Hsiang ng Chinese Taipei sa semifinals ngayong alas-12:00 ng tanghali na mapapanood ng live sa STAR Sports.

vuukle comment

ALEX PAGULA

BALL TOUR

CHINESE TAIPEI

DENNIS ORCOLLO

GARDEN HOTEL

ORCOLLO

PAGULAYAN

SATOSHI KAWABATA

TOH LIAN HAN

WANG HUNG HSIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with