Good-bye Red Bull na rin si Pennisi
Nakatakda na ring lisanin ni Mick Pennisi, ang nalalabing miyembro ng original Red Bull team, ang prangkisa ng Photo kina Marketing, upang makasama ang kakamping si Lordy Tugade sa Magnolia.
Sa kasalukuyan, ha bang sinusulat ang balitang ito, inaayos na ng Red Bull at Magnolia ang kumpletong detalye ng trade deal na magdadala kay Pennisi sa Beverage Masters kapalit ng draft picks sa hinaharap.
Tinatrabaho ng Magnolia ang deal na ito upang mapunan ang frontline rotation nila kasama sina 2-time MVP Danny Ildefonso at Samigue Eman na kapwa nasa injured list. Si Ildefonso ay sumailalim sa operasyon sa dalawang paa habang si Eman naman ay nagpapagaling at nagpapalakas ng binti sa Amerika.
Sinabi ni coach Yeng Guiao na malungkot sila sa paglisan ni Pennisi ngunit umaasam pa rin ang koponan na mapapanatili nila ang mahabang pananalasa ng magagandang tinapos sa Final four.
“Even with the departure of Mick, the semifinal round will be our objective. If we make it there, everything is already a bonus for us,” ani Guiao, na nagtakda ng goal sa lineup na inalisan ng superstars.
“We have to make remedies. We’ve just lost a player on a spot where we’re weak. And I don’t think we can still find a player of consequence taking over the spot of Mick,” dagdag ni Guiao.
Karamihan sa miyembro ng original Red Bull ay wala na at may tatlo na lamang ang nalalabi. Si Tugade ay nasa Magnolia, si Junty Valenzuela sa Ginebra at Kerby Raymundo sa Purefoods.
Samantala, nagpahayag ng interes si Ginebra coach Jong Uichico kay Wynne Arboleda ngunit duda itong makukuha niya. Si Arboleda ay manugang ng may-ari ng Air21 na si Bert Lina.
“Wynne was so erratic in his first few years in the league but he has improved a lot. He was a key factor in Air21 making the finals for the first time in the last Fiesta Conference,” ani Uichico.
Ang Kings ay nagbabakasyon pa at magbabalik ensayo sa Sept.15.
- Latest
- Trending