So sinorpresa ni Gomez
Itinala ni 3 time national junior champion IM John Paul Gomez ang isa sa pinakamalaking upset nang igupo nito si GM Wesley So at makisosyo sa liderato kasama ang walo pang iba matapos ang dalawang rounds ng 3rd PGMA international chess championship sa Duty Free Fiesta Mall sa Parañaque City.
Si Gomez, na nakasama sa 6-man Philippine team sa World Chess Olympiad sa Dresden, Germany makaraang manguna sa national qualifying tournament kamakailan, ay nanaig kay So makaraang lamang ang 31 sulong ng Frenc Advance variation.
Nagtala din ng impresibong panalo si IM Barlo Nadera na ginulat si No. 16 seed GM Saidali Luldachev ng Uzbekistan at makasama sa 8-man lead pack ng prestihiyosong torneo na ito na suportado ng Duty Free Philippines, Department of Tourism, Pilipinas Shell, Globe at PAGCOR.
Naglista din ng perpektong iskor sina top seed GM Murtas Kazhgaleyev ng Kazakhstan, defending champion Li Chao ng China, Zhao Weiqi ng China, No. 17 GM Li Shilong ng China at local bets GMs Eugene Torre, Mark Paragua at Darwin Laylo at Gomez.
Tinalo ng highestrated na si Kazhgaleyev si No. 20 GM Dao Thien Hai ng Vietnam, habang iginupo naman ni Li, nagkampeon noong nakaraang taon ang newly-crowned ASEAN Grand Prix champion na si IM Julio Catalino Sadorra.
Ginapi naman ni Zhou, si No. 25 GM Buenaventura “Bong” Villamayor; tinalo ni Torre si No. 29 Zhang Ziyang ng China; ginapi ni Paragua si David Elorta at namayani si Laylo kay Karl Victor Ochoa para samahan ang mga lider.
Bukod sa upset nina Gomez at Nadera, ang iba pang second round upset winners ay sina No. 39 Wang Li ng China na tinalo si No. 9 GM Marat Dzhumaev ng Uzbekistan; No. 45 Kaiqi Yang ng China, na sinorpresa si No. 15 IM Rolando Nolte ng Philippines; No. 71 NM Noel de la Cruz, na ginulantang si No. 27 IM Oliver Barbosa; No. 54 NM Efren Bagamasbad na hiniya si No. 22 IM Oliver Dimakiling; No. 54 Haoxiang Jia ng China, na pinayuko si No. 31 Dino Ballecer; at World Under-16 Olympiad cam-paigner Jan Emmanuel Garcia, na nanaig kay No. 47 IM Chito Garma.
Pinamunuan naman nina second seed GM Zhang Zhong ng Singapore, third seed GM Mikheil Mchedlishvili ng Georgia at fourth seed Gm Ehsan Ghaemaghami ng Iran ang malaking grupo ng mga nagwaging players na may 1.5 puntos.
- Latest
- Trending






















