^

PSN Palaro

Espinas sa Red Bull na

- Joey Villar, Nelson Beltran -

Pinalakas ng Red Bull ang kanilang front line rotation nang kunin nila ang dating NCAA MVP awardee na si Gabby Espinas ng Air21 kapalit ng 2009 first round pick ng Bulls.

Sinabi ni coach Yeng Guiao na si Espinas, 6’4 ay hindi lamang malaki kundi maaring itapat din sa mga power forwards ng ibang teams sa kanyang kakayahan sa loob.

“We’re almost complete with our ac-quisition of Espinas and the signing of Larry Rodri-guez and Jeff Chan. The two remaining slots are being contested by Topex Robinson, Kiko Adriano, Paolo Hubalde and Al Magpayo,” ani Guiao.

Binigyan na rin ng walking papers ng Red Bull sina Mark Andaya at Paolo Bugia.

Ipinamigay ng Air21 si Espinas matapos iselyo ang kontrata nina Mark Borboran at Pocholo Villanueva para makumpleto ang 12-man roster ng Bert Lina franchise. Nauna rito, pinakawalan din nila si Ervin Soto sa Alaska.

Sinabi ni Air21 governor at team manager Lito Alvarez na pinapirma nila si Borboran ng tatlong taong kontrata habang si Villanueva naman ay dalawang taon.

Ilang koponan naman ang naghahabol kina Rich Alvarez ng Red Bull at JC Intal ng Air21 pero walang balak ang kani-kanilang koponan na i-trade ang kanilang manlalaro.

Samantala, tatlong draftees, sina Pong Escobal, Mark Cuevas at Christian Cabatu ang naging unrestricted free agents, nang hindi sila pinapirma ng mga team na kumuha sa kanila sa draft matapos ang limang araw na ibinigay ng liga.

Sa kaso ni Escobal, hinihintay lang ng Talk N Text na matapos ang NCAA season para papirmahin ang San Beda point guard.

Sina Cuevas at Cabatu ay kapwa second-generation player dahil kapwa anak ng mga dating players na sina Worley ng San Miguel at Sonny Cabatu ng Shell, Ginebra, Swift, Presto at Purefoods slotman.

Ang iba pang draftees na nakapirma na ng UPC (uniform players’ contract) o nabigyan ng tender sheet.

Ang unang players na nabigyan ng UPC ay sina Fil-foreign players Gabe Norwood, Jarred Dillinger, Rob Reyes at Solomon Mercado, lahat ay may garantiya na P8.7 million sa loob ng tatlong taon.

BERT LINA

CHRISTIAN CABATU

ERVIN SOTO

ESPINAS

GABBY ESPINAS

GABE NORWOOD

JARRED DILLINGER

JEFF CHAN

KIKO ADRIANO

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with