Halimbawa ng Muay Thai
Bagamat hindi Olympic sport ang muay thai, ang paglaganap nito sa Asya ay indikasyon na malapit na itong kilalanin. Lingid sa kaalaman ng marami, ang paglawak nito sa rehiyon, at ang pagresolba sa maraming isyung pulitikal sa isport ay resulta ng pagsisikap ng isang Pinoy, si Muay thai Association of the Philippines (MAP) president Robert Valdez.
Si Valdez ay naging malapit sa mga awtoridad sa muay thai sa Thailand, at lumikha ng mga programa na nagpataas sa antas ng isport dito sa Pilipinas. Ngayon, saan man sa mundo, respetado ang mga Pilipino sa mga mas mababa-bang weight class.
“When we had our last international meeting, there were 55 countries represented,” gunita ni Valdez. “The demand for muay thai is great internationally, because in places like Europe, boxing is going down.”
Sa katunayan, ang Sweden, na nagbawal ng professional boxing noong 1970, ay nagbabago na ng isip. Ito’y dahil sumikat na doon ang muay thai at mixed martial arts, na mas mapanganib daw. Mula 2006, pinag-aaralan ng pamahalaan ng Sweden kung paano ibalik ang boksing.
Si Valdez naman ay umangat sa posisyong secretary-general ng Asian Muay Federation (AMF), isang bagong kalipunan ng mga muay thai sports associations sa Asya. Ang AMF ay kinikilala ng Olympic Council of Asia, na siyang nakatulong pag-isahin ang dalawang magkaaway na grupo.
“There are many big events coming up, kasi kilala na ng IOC ang impact ng martial arts ngayon,” sabi ni Valdez. “May World Martial Arts Games, iba-ibang Asian competition, Asian Indoor Games, at ang mga world championships ng bawat isang sport. The growth of the sport will really be big, especially in 2009.”
Isang pinupuntirya ni Valdez ay ang talent identification program, na malawak sa mga lalawigan.
“Apat na bagay ang hinahanap ko,” paliwanag ni Valdez. “First, of course, is the talent. You have to have that, and that is the easiest to spot. Pangalawa, yung physical make-up na maging champion. Third, siyempre, yung fighting heart. There are many talented fighters out there, but they change when they get hit. They get scared. And fourth, is the smarts. Once he’s in the ring, the coach can’t help him. He has to know how to use his training.”
Nakita rin ni Valdez na maikli ang buhay ng isang muay fighter, dahil kusang bumabagal ito pag tumatanda.
“If we find them when they are 16 to 19 years old, they can be ready for international competition in a year or two,” Valdez explains. “By around age 28, they will still have the skill and strength, but their speed will start to go. By that time, we just make them instructors.”
Maraming plano ang MAP para sa 2009. Makikita nating mabilis na magbubunga ang mga ito.
- Latest
- Trending