^

PSN Palaro

Sino nga ba ang dapat sisihin?

-

Taliwas sa pahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC), sinisi naman ng Malacañang ang mga national athletes bunga ng masamang kampanya ng mga ito sa 29th Olympic Games sa Beijing, China.

 Ayon kay Deputy presidential spokesman Anthony Golez Jr., mismong ang mga atleta ang hindi naghanda nang husto para sa kanilang paglahok sa nasabing quadrennial event.

 “Sa panahong ito parang sinabi mo ‘pag natalo si (Manny) Pacquiao sisihin mo ang coach. Ang atleta natin nagsumikap at naghirap sa Olympics. Ang pinakaimportante sa lahat ang development ng atleta nang bata pa,” ani Golez kahapon. “Si Michael Phelps started training at age 8, ang tanong natin, ang atleta natin kung ganoon ba ang nangyari sa kanila.”

 Nauna nang sinabi nina PSC chairman William “Butch” Ramirez at POC vice-president Monico Puentevella na ang mga sports leaders na tulad nila ang dapat buntunan ng sisi sa malamyang pagpapakita ng 15-man national squad sa 2008 Beijing Games.

 Bago makalahok sa isang Olympic Games, dadaan muna ang isang atleta sa ilang Olympic qualifying competitions na sinasabakan rin ng mga world-caliber athletes, habang iilan naman ang nabibigyan ng wildcard entry.

 Sina national swimmers Miguel Molina, Ryan Arabejo, Daniel Coakley, JB Walsh at Cristel Simms, divers Shiela Mae Perez at Ryan Rexel Fabriga, taekwondo jins Mari Antoinette Rivero at Tshomlee Go, boxer Harry Tañamor, archer Mark Javier ay nakapasa sa Olympic qualifying  events.

 Nabigyan naman ng token entry (wildcard) sina shooter Eric Ang, weightlifter Hidilyn Diaz at sina long jumper Marestella Torres at Henry Dagmil.

 “An athlete can be better athlete if they compete around the world,” wika ni Golez sa panukala niyang mabigyan ng sapat na international exposures ang mga atleta. “They develop different skills and techniques of developing themselves if they expose themselves to other athletes.” (Russell Cadayona)

ANTHONY GOLEZ JR.

BEIJING GAMES

CRISTEL SIMMS

DANIEL COAKLEY

ERIC ANG

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with