Dahilan sa kani-kanilang mga maling aksyon, pinatawan kahapon ng multa ng PBA Commissioner’s Office sina Mark Caguioa at Junthy Valenzuela ng Barangay Ginebra.
Multang P5,000 ang ibinigay kay Caguioa buhat sa kanyang flagrant foul penalty 1 kay Arwind Santos, saman-talang P1,000 naman ang ipinataw kay Valenzuela mula sa kanyang second motion kay Ranidel de Ocampo sa Game 6 ng 2008 PBA Fiesta Conference Finals noong Linggo.
Sa flagrant foul 1 ni Caguioa kay Santos, lumagapak ang forward ng Express sa sahig mula sa paghawi ng Gin Kings’ scorer sa mga paa nito habang nasa ere.
“We cannot overemphasize the danger of fouling an airborne player like that. Fortunately, your act did not result in any dire consequence,” ani PBA Commissioner Sonny Barrios sa ibinigay na foul ni Caguioa kay Santos. “Had Mr. Santos taken a bad fall and hurt himself, you could have been assessed a flagrant foul penalty 2.”
Bagamat natawagan sina Nino Canaleta at Gary David ng flagrant penalty1 at techni-cal foul/second motion, nilinaw ni Barrios na walang basehan para patawan rin ang dalawa ng multa. (Russell Cadayona)