Javier aasinta kontra sa pinakamahuhusay na Korean archers

BEIJING -– Tatlo sa apat na events ang napagwagian ng Koreans sa archery sa huling dalawang Olympics at ngayon ay handa na para walisin ang lahat ng ginto-- sa men’s at women’s individual at team events-- sa Beijing Olympic archery competitions na magsisimula ngayon sa Beijing Olympic Green Archery Field.

Dalawang Koreans sina world no.1 Im Donghyung at no. 3 Park Kyungmo -- ay handa na para patatagin ang dominasyon ng Koreans sa sports na pinaghaharian ng kanilang bansa sapul nang ipakilala ito sa Seoul Olympics.

Ang no. 2 na si Baljinima Tsyrempilov ng Russia at No. 4 Romain Girouille ng France ay maaari namang humatak ng sorpresang panalo sa individual event kung saan kasali ang Pinoy archer na si Mark Javier, isang wildcard entry at pang No. 87 sa buong mundo.

Magsisimula na ang kompetisyon sa archery ngayon sa pamamagitan ng ranking round, na kilalang FITA (International Archery Association) round kung saan ang resulta ay dedetermina ng ranking ng archers sa knockout phase.

Ang top-ranked player sa FITA round ay lalabanan ang  No. 64, at No. 2 vs No. 63, at ang last pairing ay No.31 vs No. 32. (Gerry Carpio)

Show comments