BEIJING --Humatak ng magaan na asignatura si lightflyweight boxing champion Harry Tañamor sa unang round at inaasahang susulong sa mga kanyang susunod na kalaban bagamat kailangan niyang ilabas ang lahat ng kanyang nakareserbang galing sa huling tatlong rounds para mag-uwi ng medalya at masayang magdiwang ng kanyang ika-31st kaarawan sa Olympic Games.
Makakalaban ni Tañamor si African champion Many Plange ng Ghana sa round of 32 ng lightflyweight (48kg) category sa Aug. 13 sa Workers’ Gymnasium na malapit sa National Stadium.
Pang No. 33 sa world championships at nasa kanyang unang pagsali sa Olympics, ang top-ranked African boxer ay didipende sa kanyang kabataan para maigupo si Tañamor na magdiriwang ng kanyang ika-31 anyos sa Agosto 20.
Inaasahang gagamitin naman ni Tañamor, na nabigong makarating sa quarterfinals ng Athens Olympics, ang kanyang mga karanasan na kinabibilangan ng gold medal sa Asian Championships sa Ho Chi Mihn City noong 2005 at silver medal na tinapos sa mahigpitang 2007 World Championships kung saan nakuha niya ang tiket patungong Olympics.
Kapag nagwagi, ang susunod na hakbang ng Zamboangueño sa round of 16 ay isa pa ring magaan na kalaban kanimunan kina Bouchtouk Redouane ng Morocco o Paulo Carvalho ng Brazil.
At sa quarterfinal round, magiging mabigat na ito para sa Pinoy boxer. Kakalabanin niya ang alinman kina Cuban Yampier Hernandez o American Luis Yanez at maging ang Russian David Ayrapetyan.
“I don’t mind whom I am going to fight,” ani Tañamor, na dumaan sa intensibong training sa Baguio sa ilalim ng Cuban coaches. ‘I came here well prepared for any opponent. I am very motivated --not by the financial incentives I may receive for a gold -- but for the honor this will bring me and my country.”
At kapag nagwagi sa quarterfinal victory sa Aug. 19, hindi pa rin makakapagrelaks at makakapagdiwang ng kanyang kaarawan si Tanamor. Kailangan niyang pagtuunan ng pansin si Thailand champion Amnat Ruenrong sa semifinals sa Aug. 22. (Gerry Carpio)