4 na sundalong atleta sasabak sa Beijing Olympics
Apat na sundalo kabilang ang isang Army Sergeant na boksingero ang isasabak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gaganaping Beijing Olympics sa darating na buwan ng Agosto.
Si Sergeant Harry Tañamor, ay siyang pambato ng Philippine Army at kaisa-isang pag-asa para makakuha ng ginto sa boxing.
Si Tañamor ay nagcourtesy call nitong Miyerkules kay AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano sa Camp Aguinaldo kaugnay ng nakatakdang biyahe nito patungo sa China kasabay ng pangakong sisikapin niyang masungkit ang gintong medalya sa nasabing palakasan.
Ang tatlo pang Olympians ay sina Corporal Maristella Torres (athletics), Airman First Class Tshomlee Go (taekwondo) at Chief Petty Officer Ramon Solis (weightlifting). Ang mga ito ay nauna nang umalis patungong
“Gagawin ko lahat ng makakaya ko,” determinadong pahayag ni Tañamor sa pagharap nito sa mediamen kahapon kung saan ito ang ikalawang pagkakataon na sasali ito sa nasabing Olympics.
Itinuturing naman ni Tañamor na pinakamahigpit niyang makakalaban ang Chinese boxer na tumalo sa kaniya para makuwalipika sa Olympic sa
Noong 2004 Athens Olympics sa
Sa tala ang pinakamataas na nakuha sa Olympic sports contest ng Pilipinas ay noong 1996 sa Atlanta, Georgia kung saan si boxer Mansueto “Onyok “ Velasco ay nagwagi ng silver medal. Si Velasco ay isang enlisted sa Philippine Navy.
“This is our only hope for a medal in boxing in the forthcoming Beijing Olympics and we are very proud because he is a member of the Philippine Army and the Armed Forces of the Philippines,” ayon naman kay Yano na isa ring kilalang boksingero sa panahon nito sa Philippine Military Academy (PMA). Si Yano ay nagtapos sa PMA Class 1976.
“Let’s pray for the success of his bouts, we all know that the Olympics gathers the best boxers in the world,” ang sabi pa ng Chief of Staff. (Joy Cantos )
- Latest
- Trending