Bagong alituntunin sa ‘flagrant foul’ ipinatupad na

Sinimulan na noong Linggo ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga panibagong guidelines at procedures kaugnay sa pagtawag ng mga referees ng flagrant foul.

Isang game video footage, ayon sa PBA Commissioner’s Office, ang gagamitin upang ma-determina ng mga referees at technical officials kung ang isang flagrant foul ay ituturing na Penalty 1 o Penalty 2.

Matatandaang kinuwestiyon ni Sta. Lucia team manager Buddy Encarnado ang PBA hinggil sa kabiguan nitong patawan si Talk ‘N Text import Terrence Leather ng suspensyon ukol sa pambabato ng bola kay Jondan Salvador at pang-hahabol kay James Yap ng Purefoods sa kanilang 79-63 noong Hulyo 10 sa kanilang wild-card match.

Multang P62,400 ang ipinataw kay Leather at tig-P20,000 sa mga Phone Pals ring sina Gilbert Lao at Khalani Ferreira, ha-bang P50,000 ang kay Yap, P33,000 kay Rico Villanueva, P30,000 kay Kerby Raymundo, P28,000 kay rookie Rob Sanz at P1,000 kay Salvador ng Giants.

Sa bagong alituntunin, automatic review sa game video ang gagawin ng mga referees sa san-daling tumawag ng isang flagrant foul.

At matapos ma-review, lilinawin ng mga referees kung ang flagrant foul ay papatak sa penalty 1 o penalty 2 at kung wala namang game video, tatawagin ng crew chief ang mga referees para magbaba ng desisyon. 

“Please take note, however, that all other playing rules and guide-lines regarding fouls shall remain the same,” wika ni PBA Commissioner Sonny Barrios. (Russell Cadayona) 

Show comments