^

PSN Palaro

Jazul nagbida uli sa panalo ng Letran

-

Bagamat malayo sa kanyang itinalang career-high 37 puntos kamakailan, sapat na ang mga krusyal na basket ni RJ Jazul para ihatid ang Letran College sa kanilang ikatlong sunod na ratsada.

Tumipa ang 5-foot-10 na si Jazul ng 20 marka, 6 rebounds at 6 assists upang tulungan ang Knights sa 73-62 pananaig kontra Philippine Christian University Dolphins sa first round ng 84th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

 Sa inisyal na laro, humugot naman ang Cardinals ng 17 puntos kay rookie guard Allan Mangahas at 14 kay TG Guillermo para sa kanilang 63-57 panalo laban sa bumubulusok na Blazers.

 Ikinasa ng Knights ang isang 12-point lead, 40-28, sa pagsisimula ng third period mula sa isang three-point shot at basket ni Kojack Melegrito hanggang makalapit ang Dolphins sa 49-57 sa 5:19 ng fourth quarter galing kina Robbie Busa, Beau Belga at Leimar Navarro.

 Sa likod ng inihulog na 10-3 bomba mula sa tambalan nina Jazul at Rey Guevarra,  muling nailayo ng Letran ang labanan sa 67-52 sa huling 2:24.

Sa pagpitas naman sa kanilang four-game winning streak matapos mabigo sa San Beda sa opening day noong Hunyo 28, isang 10-day break ang haharapin ng Mapua ni Leo Isaac. 

ALLAN MANGAHAS

BEAU BELGA

CUNETA ASTRODOME

JAZUL

KOJACK MELEGRITO

LEIMAR NAVARRO

LEO ISAAC

LETRAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with