Bulldogs lumuhod sa Red Warriors

Naging matuwid ang shooting clip ni James Martinez mula sa three-point range, samantalang dinomina naman ni 6-foot-4 Elmer Espiritu ang rebounding.

Kumolekta si Mar­tinez ng 16 puntos at 6 re­bounds at nag-ambag na­man si Espiritu ng 14 boards, 11 marka at 3 su­palpal para igiya ang  University of the East sa 82-69 panalo kon­tra sa National Univer­sity sa first round ng 71st UAAP men’s basketball tourna­ment kahapon sa Phil­Sports Arena sa Pasig City.

Ang nasabing tagum­pay ang nagbigay sa Red Warriors, winalis ang eli­mination round via 14-0 record bago natalo sa De La Salle Green Archers sa best-of-three cham­pion­ship duel, ng 2-0 kar­tada kabaligtaran ng 0-2 marka ng Bulldogs.

Makaraang ibigay ni Mer­vin Baloran ang 36-35 halftime lead sa NU, naghulog naman ng isang 18-7 bomba ang UE, kasama rito ang da­la­wang tres ni Martinez at isa ni Marcy Arellano, pa­ra sa kanilang 53-43 la­mang sa 4:02 ng third quarter.

Ang pagiging agresi­bo ng Red Warriors sa third period ang nagre­sulta sa kanilang kabu­uang 30 produksyon kum­­para sa 13 ng Bull­dogs.

Show comments