^

PSN Palaro

Wala nang problema kay Pacquiao

-

Wala nang nakikitang problema ang Philippine Olympic Committee (POC) hinggil sa pag-apruba ng Beijing Olym­pic Organizing Commit­tee sa nahuling akreditas­yon ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao.

Sinabi kahapon ni POC chairman Robert Aven­tajado na dadaan la­mang sa isang ‘proce­dural stage’ ang 29-an­yos na si Pacquiao para ma­kapasok sa China ukol sa 29th Olympic Ga­mes sa Beijing sa Agosto 8-24.

“Ngayon, pinapro­cess na ‘yung regular visa para kay Manny Pac­quiao kasi hindi na siya umabot sa pre-arrival identity and accreditation card,” wika ni Aventajado kay Pacquiao, ang hini­rang ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Special Envoy at ‘flag bearer’ ng Team Philip­pi­nes sa 2008 Beijing Ga­mes.

Hindi tulad ng mga mi­yembro ng dele­gas­yon, kailangan pa ni Pac­quiao, ang bagong World Bo­xing Council (WBC) light­weight champion, na hin­tayin ang kanyang vi­sa bago makapasok sa Chi­na.

Pamumunuan ni Pac­quiao ang Team Philip­pines na tinatampukan nina national swimmers Miguel Molina, JB Walsh, Ryan Arabejo, Daniel Coakley at Cristel Simms, divers Shiela Mae Perez at Rexel Ryan Fabriga,  jins Tshomlee Go at Ma­ria Antonette Rivero, bo­xer Harry Tana­mor, ar­cher Mark Javier, shooter Eric Ang, long jum­pers Henry Dagmil at Ma­res­tella Torres at weight­lifter Hidilyn Diaz. (RC) 

ANTONETTE RIVERO

BEIJING GA

BEIJING OLYM

CRISTEL SIMMS

DANIEL COAKLEY

ERIC ANG

HARRY TANA

SHY

TEAM PHILIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with