^

PSN Palaro

Alaska talsik na

-

Una, nabigong makakuha ng automatic quarterfinal slot ang Alaska, kagabi, isinuko nila ang ipinagtatanggol na titulo sa Smart PBA Fiesta Conference.

Sinibak sa kontensiyon ng Sta. Lucia Realty ang defending champion Alaska matapos ang 99-86 panalo sa knockout wild card phase kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagbida si Joseph Yeo sa pagkamada ng career-high na 27-puntos, 18 nito ay sa second half upang manatili sa kontensiyon ang Realtors.

Haharapin ng Sta. Lucia ang sinumang mananalong team sa  ikalawang laro sa pagitan ng Talk N Text at Purefoods para sa sudden-death match sa Biyernes sa Ynares Centre din.

Ang surviving team sa yugtong ito ang ookupa ng ikaapat at huling slot sa quarterfinal round kung saan naghihintay na ang Ginebra, Magnolia ay Coca-Cola.

Ang Air21 at Red Bull ay nasa semis na matapos mabiyayaan ng outright semis slot bilang top two teams sa nakaraang classification phase.

Ang ookupa ng huling quarterfinal slot ay haharap sa  third seed Barangay Ginebra sa best-of-three quarterfinals na magsisimula sa Linggo at ang Coke at Beverage Masters ang maglalaban naman sa isa pang quarterfinal series.

Tumapos lang ang import na si Lee Benson ng 11-puntos ngunit bumawi naman ang mga locals na sina Kelly Williams, Ryan Reyes at Gilbert Omolon sa pinagsama-samang 48 puntos.

BARANGAY GINEBRA

BEVERAGE MASTERS

FIESTA CONFERENCE

GILBERT OMOLON

JOSEPH YEO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with