^

PSN Palaro

PBA tutulong pa rin sa pagbuo ng National team

-

Hindi pa rin nakakalimutan ng Philippine Basketball Association ang kanilang tungkulin para sa bansa kaya handa pa rin silang tumulong sa pagbuo ng national team na isasabak sa malalaking torneo sa susunod na taon.

Sa katunayan, nagsimula nang makipag-usap si PBA Commissioner Sonny Barrios sa BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas para malaman kung ano ang magiging papel ng liga sa bubuuing national team.

 ”Basically, it was an exchange of information and views,” ani Barrios na panauhin kahapon sa lingguhang PSA Forum na ginaganap sa U.N. Ave. Manila. “The important thing is for us to know ano ang papel ng PBA, ano ang awtoridad. It’s just a matter of establishing our position.”

Ayon kay Barrios, nais niyang malaman kung anong mga torneo ang lalahukan na may papel ang PBA nang sa gayon ay maisama nila ito sa kalendaryo ng liga sa susunod na taon.

Sa pakikipag-usap ni Barrios sa pinalitan niyang PBA Commissioner na si Noli Eala na ngayon ay executive director na ng BAP-SBP, nakalinya ang  2010 World Basketball Championship sa Turkey, FIBA-Asia qualifying tournament sa September 2009 sa China at ang World Championships kung makakalusot, gayundin ang 2010 Asian games.

Ngunit ayon kay Barrios, wala sa kanya ang huling desisyon.

 ”Of course, we have to get first the approval of the PBA Board before we get into it. Noli (Eala) knows and recognizes that I don’t solely decide on this matter. It’s the PBA Board,” paliwanag ni Barrios sa mga media sa Forum na sponsored ng Shakey’s, Accel, Brickroad gym and Aspen spa at MedCentral Medical Clinic and Diagnostic Center.

COMMISSIONER SONNY BARRIOS

MEDICAL CLINIC AND DIAGNOSTIC CENTER

NOLI EALA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAMAHANG BASKETBOL

WORLD BASKETBALL CHAMPIONSHIP

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with