^

PSN Palaro

CSB bistado ng JRU

-

Unti-unti nang nabibisto ang kahinaan ng mga Blazers ng bagong coach na si Gee Abanilla.

Makaraang iposte ang malinis na 2-0 karta, nalasap ng College of St. Benilde ang kanilang pangalawang sunod na kabiguan nang umiskor ang Jose Rizal University ng isang 75-67 panalo sa first round ng 84th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.  

Kumabig si 6-foot-5 slotman JR Sena ng 21 produksyon, habang nag-ambag naman ng 20 si pointguard Marc Cagoco para ibigay sa Heavy Bombers ang kanilang 1-2 rekord katabla ang five-time champions San Sebastian Stags.

Agad na itinala ng Jose Rizal ni Ariel Vanguardia ang isang 11-point lead, 22-11, hanggang makabawi ang Blazers, una at huling nagkampeon noong 2000 sa ilalim  ni Dong Vergeire, ni Abanilla sa pagpinid ng third quarter, 53-53.

Matapos ang isang three point shot ni Aaron Umlas para sa 5962 agwat ng Blazers, isang tres ni John Wilson at 3-point play ni Sena ang nagpadyak sa  68-59 bentahe ng Heavy Bombers sa 6:02 ng final canto.  

Huling nakadikit ang St. Benilde sa 63-68 agwat mula kina Jeff Morial at Robbie Manalac kasunod ang split ni Wilson at lay-up ni Sena upang ibigay sa Jose Rizal ang komportableng 71-63 lamang sa huling 1:40 ng sagupaan.

Sa juniors’ division, humakot naman si Keith Agovida ng game-high 37 puntos at 15 rebounds upang igiya ang Light Bombers sa 105-80 pag-gupo sa CSB-La Salle Greenies para sa kanilang 2-1 baraha kumpara sa 1-2 marka ng huli.

AARON UMLAS

ARIEL VANGUARDIA

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

DONG VERGEIRE

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with